Narinig mo na ba ang monkeypox? Ito ay isang virus na kumakalat habang nakikipagtalik at talagang malapit na kontak, tulad ng paghalik, pagdila, pag-ubo o mabigat na paghinga nang harapan. Makukuha mo rin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kama, tuwalya o hindi nalabhan na damit. Ang monkeypox ay maaaring magbigay sa iyo ng pantal o sugat o iparamdam sa iyo na ikaw ay may trangkaso. Bisitahin https://sf.gov/mpox para sa impormasyon tungkol sa pag-iwas, mga sintomas, kung ano ang gagawin kung ikaw ay nalantad, ang aming mga numero ng kaso, at higit pa.
Magtulungan tayo para masugpo ang monkeypox!